Monday, January 16, 2012

Identity Politics: da who? Sino ka nga ba?

Sino nga ba ako? Nang naitanong ko ito sa aking sarili, kaharap ang salamin, wala akong maisip. BLANKO. na blanko ang aking isipan at tila hindi ko kilala ng lubusan ang aking sarili. 

Nang tumakbo ang oras, sa wakas, may pumasok na sa aking isipan. Bago ko bigyan ng laman ang tanong na ito, magsisimula muna ako sa pinaka basic facts patungkol sa aking sarili: Ako si Karen Gem Durante Torres, 20 taong gulang, pang lima sa pitong magkakapatid, lumaki sa napakagandang probinsya ng Daet, Camarines Norte. 









Mahilig akong mag-surf. As in surf sa dagat. Hindi nga lang halata dahilan sa aking malusog na pangangatawan at maputing balat. :))) Aminado akong hindi ako magaling, pero sinusubukan kong mag imporve sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataong makapag surf. Simula noong nasubukan kong makapag surf at makatayo sa surf borad, tuluyan nang nahulog ang loob ko at na "inlab" sa isports na ito. Hindi man ako sigurado kung ano ang tatahakin ko pag ako ay grumaduate dahil hindi ko pa alam ang gagawin ko sa buhay, may isang bagay akong siguradong gagawin ko. Yun ay ang pagtutuloy ng isports na surfing. Isasama ko ito sa aking weekly routine. Gusto kong gumaling. Gusto ko mag improve. :)




Sino nga ba ang aking kabaliktaran (my other) ?

Ang kabaliktaran ng aking personalidad ay isang taong maarte, konyo, mayabang, matapobre, malandi (playgirl/easy to get),walang paniniwala sa Diyos, plastik, at ang taong walang pakialam o pikit-matang nagbubulag-bulagan sa nangyayari sa lipunan. 

Biniyayaan man ako ng lubos Diyos pagdating sa buhay, pamilya, at kabuhayan, kailanman ay hindi ako nagmalaki o nagmayabang man lamang ng kung anong mayroon ako. Sa katunayan, paminsan nga ay ako pa ang nahihiya sa tuwing may nagpag-uusapan tungkol sa akin. Ako rin ang tipo ng babae na hindi damsel in distress; kaya kong mag-isa. Independent ako.  Ako rin ang tipo ng babae na sobrang ma-inlove. Toping stick to one lang talaga. Once na may gusto ko, siya lang. Wala nang iba. Period. Ilang taon bago mawala talaga nang tuluyan sa aking isipan kung sino man ang makakapag pa-inlove saakin. HAHAHAHA :))) Ako rin ay may pakialam sa mga sosyal and politikal na isyu ng lipunan. Ako ay interesado sa mga ganitong bagay. Mga praktikal na bagay kumbaga. Mas pipiliin ko ang mga ganiting isyus patungko sa realidad ng buhay kaysa sa mga pang akademikong bagay (Math, Science, etc.). 

Ano nga ba ang gusto ko sa buhay?

Hanggang ngayon, nakakahiya mang aminin, ngunit hindi ko pa rin talaga alam kung anong gusto ko sa buhay. Lahat ng bagay ay hindi ko sigurado. Wala pa ako sa puntong naka-ayos lahat, planado. Ewan, sadyang magulo lang akong tao. Ano nga ba ang gusto ko? Hindi ko alam. Sa ngayon ay hindi ko pa masasagot yan. 

No comments:

Post a Comment