Kami ay nagtungo sa Liliw, Laguna upang siyasatin ang kultura sa likod ng maliit na bayang it. Bakit nga ba kilala ang lugar na ito?
Ako'y talaga namang natuwa ng makarating kami sa bayan ng Liliw. Kitang-kita sakanilang produkto ang pinaguugatan ng kanilang sariling kultura, ana kanilang maipagmamalaki. Isang proyekto ng DTI ang OTOP: One Town, One Project. Ang produksyon ng tsinelas sa kanilang lugar ay lumilikha ng trabaho para sa mga mamamayan, at pati na rin sa turismo. Sa katunayan, ipagdiriwang nila ang 11th Tsinelas Festival ngayong darating na Mayo. Maganda ang kanilang mga produkto, halos lahat ay patok sa lasang Pilipino. Sa katunayan, nakabili ako ang 2 sapatos dahil mura lang ang mga ito at talaga namang maganda. May iba rin silang tinitindang mga imitation na bag, sapatos, at pati narin damit. Ngunit, noong kami ay pumunta doon, halos wala pang tao. Nakapag interbyu ako ng isang tindera doon, ang sabi niya ay maraming turista ang dumarayo sa kanilang lugar, lalo na pag araw ng Sabado. Ang suporta ng pamahalaan sa produkto ng Liliw ay nagbunga ng maraming kabuhayan sa kanilang lugar. Ang pagkakaisa ng kanilang komunidad sa pagtaguyod at pagtangkilik ng kanilang sariling produkto ay nagmula sa kanilang mismong kultura. Napagyaman nila ito, kaya naman lahat sila ay nakikinabang.
Naitanong ko rin sa tindera kung ano-ano ang mga libangan nila sa kanilang lugar. Ayon sakanya, wala silang sariling mall; ang pinakamalapit na ay ang SM San Pablo na may kalayuan sa kanilang bayan. Isa lang ang bar sa Liliw ayon sa sakanya, at ito ang Lam-BAR-nog. Paminsan-minsan ay siya daw mismo ay nagtutungo roon upang makapag relax at makipag sosyalan sakanyang mga kaibigan at iba pang mga kabataan.
Ang aming sunod na destinasyon ay ang bayan ng Luisiana. Aming nakapanayam si Ms. Levita Duhaylungsod ukol sa kultura ng Luisiana. Kilala ang bayan sa Pandan Festival. Ayon sa kanya, nagkaroon ng festival sa lugar dahil ang mga karatig bayan ay mayroong sari-sariling festival; kumbaga nakisunod lang ang Luisiana sa uso at dahil na rin sa kumpetisyon ng turismo. Kung ihahambing sa Liliw, na kung saan ay maraming tindahan ng sariling produktong tsinelas, ang Luisiana ay mayroong lamang nag-iisang display showroom ng mga produktong Pandan. Ito ay dahil hindi gaanong binibigyang halaga ng lokal na pamahalaan ang kanilang sariling produkto. Ayon kay Ms. Duhaylungsod, depende kung sino ang nakaupo sa puwesto; kung susuportahan ang produskyon ng kanilang sariling kulturang pangkabuhayan. Nakakalungkot isipin na nawala na ang tunay na diwa ng Pandan Festival. Naibahagi niya sa amin na ginagamit lamang ng mga pulitiko para sakanilang sariling interes ang naturang festival. Dahil dito, nawalan na rin ng interes ang ang lokal komunidad ng Luisiana tangkilikin ang kanilang sariling produkto.
Sa Lukban naman ay mayroong Pahiyas Festival, na ang tawag noon ay San Isidro. Ayon kay Ms. Duhaylungsod, "corrupted and bastardized" na daw ang kultura ng Pahiyas. Nawala na ang ritwal at mga relihiyosong paniniwala na nakaugat sa kultura nito. Ang mga tao ay hindi na nagkakaisa, sa halip ay nagpapaligsahan o nakikipag kumpetisyon na lamang kung sino ang may pinaka magandang atraksyon.
Hindi man namin nakita mismo ang pagdiriwang ng Pahiyas, nagkaroon naman kami ng pagkakataon na makapunta sa Lucban. Hindi man kami nakamapamasyal sa lugar, natikman naman namin ang masasarap na pagkain na tanyag na produkto sa kanilang lugar.

No comments:
Post a Comment