Saturday, March 10, 2012

Kultura ng Physical Fitness sa Calamba at Los Banos

Isa sa mga aktibidad namin sa fieldtrip ay ang pag obserba sa kultura ng community aerobics sa Calamba at Los Banos (LB).

Ang komunidad ng aerobics sa Calamba ay grupo ng mga kababaihan. Halos lahat ay may edad na; mga nanay at lola karamihan. Mayroon din namang ilang mga kabataan. Hindi nagpahuli ang ilang mga bakla sa naturang aerobics. Silang lahat ay naka damit pang ehersisyo. Ang iba pa nga ay naka costume; may ilan na pare-parehong damit ang suot. Makikita sa kanilang tikas at tindig ang kasiyahan na dulot ng aerobics. Ang saliw ng musika ay makabago, tipong kaindak-indak. Ngunit, dahil karamihan ay may edad na, halos lahat ay madaling napagod. Isa lamang ang nagturo ng aerobics, walang ibang kapalit. 

Maraming tao ang napapatigil at nanonood sa aerobics, at kabilang ang aming klase sa kanilang audience. Ang iba ay tumatawa habnag nanonood, samantalang ang iba naman ay seryoso sa panonood. May iba rin akong nakitang kumukuha ng litrato maliban sa aming klase. 


Sa LB naman, kapansin-pansin na ang iba ay kasamang mag aerobics ang pamilya. Matanda, bata, at mga kabataan ang kasali. Iba't-iba ang nagtuturo ng aerobics, at kabilang dito ang aming guro. Ang saliw ng musika ay iba-iba rin, depende sa nagtuturo. Mayroong etniko, moderno, pop, at jazz. Lahat ay buhay na buhay habang nag eehersisyo. Lahat ay pawis na pawis at naka pocus sa stage kung saan naroon ang instructor. 



Napansin ko rin na halos magkaka kilala ang mga kasali, kung hindi ako nagkakamali, sila ay galing sa iisang komunidad. Ang iba ay nagkkwnetuhan pa bago magsimula ang programa. Katulad sa Calamba, naka damit pang ehersiyo rin ang mga kasali, kumpleto sa attire ng pananamit - rubber shoes, cyclings/jeggings, jogging pants, at sando. Ang mga taong nanonood, kasama na ako ay tuwang-tuwang habang nanonood. Marahil ay napaka malikhain kasi ng mga dance moves ng bawat nagtuturo. May halong excitement habang nanood dahil napaka unpredictable ng susunod na dance move. Sa kabuuan, talaga namang nakaka aliw manood. 

Ang kultura ng pag eehersisyo sa ating bansa ay hindi gaanong nabibigyan ng pansin. Nakatutuwang isipin na may mga maliliit na komunidad katulad ng nasa Calamba at LB na nagbibigay halaga sa pangangalaga ng kalusugan sa pamamagitan ng pagsali sa aerobics. 


No comments:

Post a Comment