Ang aming klase sa
Kultura at Pulitika (Culture and Politics - CULPOLI) ay nagpasya na magtungo sa
Laguna at mga karatig bayan upang pag-aralan ang iba't-ibang kultura, lalo na
ang mga cultural productions ng bawat lugar. Mithiin ng aming fieldtrip na malaman
ang mga kaparaanan ng bawat bayan upang maipakita ang kanilang sari-sariling
produkto, piyesta, at proyekto sa pagpapakita ng yaman ng kanilang kultura. Isa
rin sa aming aktibidad ay ang mag obserba sa dalawang klase ng mall at pati na
rin ang dalawang kulturang nakapaloob sa magkaibnag lugar ng pagsasagawa ng
aerobics. Sa pangkalahatan, masasabing kong marami akong natutunan sa fieldtrip
na ito ; and at the same time, nag-enjoy rin ako.
Kami ay unang
nagtungo sa Colegio de San Juan Letran sa Calamba, Laguna. Sa unang pagtapak
palang namin sa paaralan, agad kaming nasigawan ng isang babae. Sa aming
palagay, siya ay guro sa nasabing paaralan. Siya ay nagalit dahil bumaba kami
sa driveway, kasunod ng kanilang sasakyan. Bumaba siya ng kotse at sinigawan kami,
"Pambihira! nagmamadali kami! Ano bang course nyo?! Pambihira naman
o!" Higit pa diyan, nang subukan siyang kausapin ng aming guro, hindi niya
ito ininda o tiningnan man lang. Upang maibsan ang sitwasyon, nagbiro na lang
si Sir na baka kasama ang ganung pag-uugali sa kultura ng mga taga-Calamba.
Para sa akin, wala sa lugar pagwawala noong babaeng aming nakasalamuha.
(Moving on....)
Kami ay nagtungo sa
Cultural Arts Office (CAO) ng paaralan. Nabigyan kami ng pagkakataon upang
makapanamayam si Ms. Rica Palis na nagbigay saamin ng lecture patungkol sa
sining at kultura ng Calamba. Ayon sakanya, may apat na bahagi ng research
studies sa kultura ang sa Letran - Cultura Research, Cultural Production,
Cultural Education, Linkages.
Ang mithiin ng CAO ay
maging "culturally literate" ang kanilang komunidad sa
paaralan.
Kapansin-pansin din ang
dekorasyon na kabayong pula sa kanilang opisina. Ang kabayong pula ay
sumisimbolo ng kultura ng Laguna. Ayon kay Ms. Palis, lahat ng bata noon sa
Laguna ay mayroong ganitong klaseng laruan. Nakalulungkot mang isipin,
naibahagi rin niya sa amin na ang mga lokal ng Laguna ay hindi alam ang ugat ng
kanilang sariling kultura. Dahil sa globalisasyon, naaapektuhan produksyon ng
ating sariling kultura. Nagkakaroon tayo ng pagkahilig at pag gaya sa kultura
ng mga banyaga. At dahil dito, tayo ay sadayng nakakalimot sa ating sariling
kultura.
Isa sa mga naging
halimbawa ni Ms. Palis sa sitwasyong ganito ay ang pagkakaroon ng napakaraming
grupo sa kanilang paaran ng hip-hop o modern. Sa sitwasyong ito, kita-kitang na
ang mga kabataan ay talaga nga naman nabahira ng ng colonial mentality.
Nakahihiya mang aminin, ngunit ako mismo ay isa sa mga kabataang tumatangkilik
sa kulturang banyaga. Kanya pang idinagdag na may halong pagka dismaya na
walang anumang folk dance troupe sa kanilang paaralan sa kadahilanang walang
gustong sumali. Naibahagi rin niya sa amin na talamak ang pageant sa kanilang
lugar. Bawat kolehiyo ay may ganitong uri ng patimpalak. Sa kanyang opinyon,
marami pang mas importanteng bagay na mas kailangan pag tuunan ng pansin.
Makikita sa halimbawang ito ang power relations. Kung ikaw ay manalo sa
ganitong klaseng patimpalak, paniguradong popular ka sa eskwelahan,
tatangkilikin ka ng kapwa mo mag-aaral. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng
opurtunidad ang mga mag-aaral to climb the social ladder.
Sa ibang isyu, natalakay
niya rin ang kaibahan ng Letran sa UP, kung saan siya nagmula. Ayon sa
kanya, mas malayang naipapahayag ng mga estudyante ang kanilang mga saloobin sa
UP at mas aktibo sila mga student involvement activities, katulad ng Univeristy
Student Council. Sa Letran halos walang gustong mamuno. Sa nakikita ni Ms.
Palis, kung magpapatuloy ang ganitong klase ng kultura sa kanilang paaralan,
hindi sila magpproduce ng mga lider sa lipunan, sadyang mga tagasunod
lamang.
Naibahagi rin niya sa
amin na walang kahit anong museo sa Calamba Maliban sa tahanan ni Jose Rizal
nag magpapakita ng kanilang mga sariling produkto at kultura. Walang gaanong
nakukuhang suporta sa pamahalaan sa pagpalaganap ng kaalamang kultural. May
opisina para sa culural development ang Calamba, ngunit walang ginagawa. Nasa
centro ang kultura, ang kayamanan ng isang lugar, ngunit wala ng kultura.
Nabanggit din saamin na may political elite war sa Calamba. Ito marahil ay isa
sa mga dahilan kung bakit hindi natutuunan ng pansin ang isyu kultural. Marahil
ay mas pinahahalagahan ng kanya-kanyang sariling angkan ang pansiriling interes
sa pulitika upang tumagal sa kapangyarihan.
Nasabi rin niya
market-driven ang cultural production sa Calamba. Kung magpapatuloy daw ang
ganiting sitwasyon, maaari itong bumagsak. May kultura kaya may turismo, hindi
dahil may turismo kaya may kultura, ayon kay Ms. Palis.
May anomalya ring nagaganap
sa kanilang lugar. Ang mga materyales na ginagamit sa upang ipakita ang
kanilang mga sariling produktong kultural sa pamamagitan ng piyesta ay binibili
sa ibang lugar. Dahil dito, lumiliit ang produksyong agrikultural at nawawala
nag tunay na diwa ng pagkakaroon ng pista.
Ano ang nawalang kultura sa laguna?
ReplyDeleteAno ang nawalang kultura sa laguna?
ReplyDeletePakiusap pakisagot asignatura lang...
Impoertante ito...
Makaka tulong ito sa aking mga assigntment
ReplyDelete