Saturday, March 10, 2012

Kultura ng Physical Fitness sa Calamba at Los Banos

Isa sa mga aktibidad namin sa fieldtrip ay ang pag obserba sa kultura ng community aerobics sa Calamba at Los Banos (LB).

Ang komunidad ng aerobics sa Calamba ay grupo ng mga kababaihan. Halos lahat ay may edad na; mga nanay at lola karamihan. Mayroon din namang ilang mga kabataan. Hindi nagpahuli ang ilang mga bakla sa naturang aerobics. Silang lahat ay naka damit pang ehersisyo. Ang iba pa nga ay naka costume; may ilan na pare-parehong damit ang suot. Makikita sa kanilang tikas at tindig ang kasiyahan na dulot ng aerobics. Ang saliw ng musika ay makabago, tipong kaindak-indak. Ngunit, dahil karamihan ay may edad na, halos lahat ay madaling napagod. Isa lamang ang nagturo ng aerobics, walang ibang kapalit. 

Maraming tao ang napapatigil at nanonood sa aerobics, at kabilang ang aming klase sa kanilang audience. Ang iba ay tumatawa habnag nanonood, samantalang ang iba naman ay seryoso sa panonood. May iba rin akong nakitang kumukuha ng litrato maliban sa aming klase. 


Sa LB naman, kapansin-pansin na ang iba ay kasamang mag aerobics ang pamilya. Matanda, bata, at mga kabataan ang kasali. Iba't-iba ang nagtuturo ng aerobics, at kabilang dito ang aming guro. Ang saliw ng musika ay iba-iba rin, depende sa nagtuturo. Mayroong etniko, moderno, pop, at jazz. Lahat ay buhay na buhay habang nag eehersisyo. Lahat ay pawis na pawis at naka pocus sa stage kung saan naroon ang instructor. 



Napansin ko rin na halos magkaka kilala ang mga kasali, kung hindi ako nagkakamali, sila ay galing sa iisang komunidad. Ang iba ay nagkkwnetuhan pa bago magsimula ang programa. Katulad sa Calamba, naka damit pang ehersiyo rin ang mga kasali, kumpleto sa attire ng pananamit - rubber shoes, cyclings/jeggings, jogging pants, at sando. Ang mga taong nanonood, kasama na ako ay tuwang-tuwang habang nanonood. Marahil ay napaka malikhain kasi ng mga dance moves ng bawat nagtuturo. May halong excitement habang nanood dahil napaka unpredictable ng susunod na dance move. Sa kabuuan, talaga namang nakaka aliw manood. 

Ang kultura ng pag eehersisyo sa ating bansa ay hindi gaanong nabibigyan ng pansin. Nakatutuwang isipin na may mga maliliit na komunidad katulad ng nasa Calamba at LB na nagbibigay halaga sa pangangalaga ng kalusugan sa pamamagitan ng pagsali sa aerobics. 


Friday, March 9, 2012

SM Calamba at Walter Mart



Kami ay nagtungo sa Walter Mart at SM City Calamba upang obserbahan ang kultura ng dalawang lugar - anong uri/klase ng mga tao ang karaniwang pumupunta, mga aktibidad na kanilang pinagkakaabalahan, at mga uri ng establesimiento.

Sa Walter Mart, kapansin-pansin na mas maliit ito kumpara sa SM. At di hamak na mas mura ang mga bilihin dito. Hindi rin gaanong karami ang mga taong namamasyal at namimili. Ang mga tindahan din ay karaniwang outlet stores or di kaya'y cash remittance  centers. Naaayon sa masa ang mga bilihin dahil sa abot kayang presyo, di man sikat o kilala ang mga tatak nito. Maliban dito, may mga establesimiento rin na nagbebenta ng mas mga mura. Isa dito ay ang Expressions, na maihahalintulad sa National Bookstore ng SM.



May Bingo rin sa loob kung saan nagtipon-tipon ang mga tao. Ito ang isa sa mga aktibidad na pinagkakaabalahan  ng mga tao doon maliban sa pagkain o pag window shopping. Kung susuriin ang mga tao sa Walter Mart, masasabi ko na nasa middle class o mas mababa pang antas sa lipunan ang namamasyal. Wala halos namimili. Malamang nag wi-window shopping lamang ang karamihan.






Sa SM naman, nagkataon na may pageant na nagaganap kaya siksikan ang mga tao. Halos lahat ng namamasyal ay nasa antas ng middle class. Sa kabilang banda, may mga grupo din naman ng mga jejemon sa tumatambay sa loob ng mall. Halos lahat ng klase ng tao ay nasa SM. Sa aking nakita, halos pamilya ang karaniwang magkakasama. Ang mga tindahan na naroon ay mga kilala (branded) at may kamahalan sa presyo. May mga parlor, nail spa, derma clinic, at massage salon rin sa naturang mall. At kung titingnan, mas malaki ang espasyo ng bawat tindahan pati na rin ang foodcourt. Sa pagkaka ayos ng mga establesimiento, kapansin-pansin na naka-grupo ang mga ito. May isang pasilyo na lahat ay gadgets lamang, sa third floor ay puro services, sa second floor naman ay tindahan ng mg adamit at sapatos. Lahat ay nasa ayos. 


Kung ikukumpara sa ibang bansa, kapansin-pansin na tayong mga Pilipino ay madalas mahilig pumasyal sa mga mall. Mayaman man o mahirap, bata o matanda, hindi maikakaila na tayong lahat ay mahilig maglibang, mamili, o kahit tumambay sa mga mall. Sa aking pananaw, nakalakip na ito sa ating kultura; tayong mga Pilipino ay sadyang mahilig maglibang, at ang malling ay isa sa ating mga paraan. Ang mga ganitong klase rin ng establesimiento ay nagiging venue rin upang makipag socialize kasama ang ating mga pamilya o kaibigan. 

Kultura ng Calamba Laguna


Ang aming klase sa Kultura at Pulitika (Culture and Politics - CULPOLI) ay nagpasya na magtungo sa Laguna at mga karatig bayan upang pag-aralan ang iba't-ibang kultura, lalo na ang mga cultural productions ng bawat lugar. Mithiin ng aming fieldtrip na malaman ang mga kaparaanan ng bawat bayan upang maipakita ang kanilang sari-sariling produkto, piyesta, at proyekto sa pagpapakita ng yaman ng kanilang kultura. Isa rin sa aming aktibidad ay ang mag obserba sa dalawang klase ng mall at pati na rin ang dalawang kulturang nakapaloob sa magkaibnag lugar ng pagsasagawa ng aerobics. Sa pangkalahatan, masasabing kong marami akong natutunan sa fieldtrip na ito ; and at the same time, nag-enjoy rin ako.

 Kami ay unang nagtungo sa Colegio de San Juan Letran sa Calamba, Laguna. Sa unang pagtapak palang namin sa paaralan, agad kaming nasigawan ng isang babae. Sa aming palagay, siya ay guro sa nasabing paaralan. Siya ay nagalit dahil bumaba kami sa driveway, kasunod ng kanilang sasakyan. Bumaba siya ng kotse at sinigawan kami, "Pambihira! nagmamadali kami! Ano bang course nyo?! Pambihira naman o!" Higit pa diyan, nang subukan siyang kausapin ng aming guro, hindi niya ito ininda o tiningnan man lang. Upang maibsan ang sitwasyon, nagbiro na lang si Sir na baka kasama ang ganung pag-uugali sa kultura ng mga taga-Calamba. Para sa akin, wala sa lugar pagwawala noong babaeng aming nakasalamuha.

(Moving on....)

Kami ay nagtungo sa Cultural Arts Office (CAO) ng paaralan. Nabigyan kami ng pagkakataon upang makapanamayam si Ms. Rica Palis na nagbigay saamin ng lecture patungkol sa sining at kultura ng Calamba. Ayon sakanya, may apat na bahagi ng research studies sa kultura ang sa Letran - Cultura Research, Cultural Production, Cultural Education, Linkages. 

Ang mithiin ng CAO ay maging "culturally literate" ang kanilang komunidad sa paaralan. 

Kapansin-pansin din ang dekorasyon na kabayong pula sa kanilang opisina. Ang kabayong pula ay sumisimbolo ng kultura ng Laguna. Ayon kay Ms. Palis, lahat ng bata noon sa Laguna ay mayroong ganitong klaseng laruan. Nakalulungkot mang isipin, naibahagi rin niya sa amin na ang mga lokal ng Laguna ay hindi alam ang ugat ng kanilang sariling kultura. Dahil sa globalisasyon, naaapektuhan produksyon ng ating sariling kultura. Nagkakaroon tayo ng pagkahilig at pag gaya sa kultura ng mga banyaga. At dahil dito, tayo ay sadayng nakakalimot sa ating sariling kultura. 

Isa sa mga naging halimbawa ni Ms. Palis sa sitwasyong ganito ay ang pagkakaroon ng napakaraming grupo sa kanilang paaran ng hip-hop o modern. Sa sitwasyong ito, kita-kitang na ang mga kabataan ay talaga nga naman nabahira ng ng colonial mentality. Nakahihiya mang aminin, ngunit ako mismo ay isa sa mga kabataang tumatangkilik sa kulturang banyaga. Kanya pang idinagdag na may halong pagka dismaya na walang anumang folk dance troupe sa kanilang paaralan sa kadahilanang walang gustong sumali. Naibahagi rin niya sa amin na talamak ang pageant sa kanilang lugar. Bawat kolehiyo ay may ganitong uri ng patimpalak. Sa kanyang opinyon, marami pang mas importanteng bagay na mas kailangan pag tuunan ng pansin. Makikita sa halimbawang ito ang power relations. Kung ikaw ay manalo sa ganitong klaseng patimpalak, paniguradong popular ka sa eskwelahan, tatangkilikin ka ng kapwa mo mag-aaral. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng opurtunidad ang mga mag-aaral to climb the social ladder. 

Sa ibang isyu, natalakay niya rin ang kaibahan ng Letran sa UP, kung saan siya nagmula.  Ayon sa kanya, mas malayang naipapahayag ng mga estudyante ang kanilang mga saloobin sa UP at mas aktibo sila mga student involvement activities, katulad ng Univeristy Student Council. Sa Letran halos walang gustong mamuno. Sa nakikita ni Ms. Palis, kung magpapatuloy ang ganitong klase ng kultura sa kanilang paaralan, hindi sila magpproduce ng mga lider sa lipunan, sadyang mga tagasunod lamang. 

Naibahagi rin niya sa amin na walang kahit anong museo sa Calamba Maliban sa tahanan ni Jose Rizal nag magpapakita ng kanilang mga sariling produkto at kultura. Walang gaanong nakukuhang suporta sa pamahalaan sa pagpalaganap ng kaalamang kultural. May opisina para sa culural development ang Calamba, ngunit walang ginagawa. Nasa centro ang kultura, ang kayamanan ng isang lugar, ngunit wala ng kultura. Nabanggit din saamin na may political elite war sa Calamba. Ito marahil ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi natutuunan ng pansin ang isyu kultural. Marahil ay mas pinahahalagahan ng kanya-kanyang sariling angkan ang pansiriling interes sa pulitika upang tumagal sa kapangyarihan. 

Nasabi rin niya market-driven ang cultural production sa Calamba. Kung magpapatuloy daw ang ganiting sitwasyon, maaari itong bumagsak. May kultura kaya may turismo, hindi dahil may turismo kaya may kultura, ayon kay Ms. Palis. 

May anomalya ring nagaganap sa kanilang lugar. Ang mga materyales na ginagamit sa upang ipakita ang kanilang mga sariling produktong kultural sa pamamagitan ng piyesta ay binibili sa ibang lugar. Dahil dito, lumiliit ang produksyong agrikultural at nawawala nag tunay na diwa ng pagkakaroon ng pista. 


Monday, February 27, 2012

Cultural Analysis of Various Songs


For today's class, we listened to a number of songs. First, we  focused in one of Elton John's song that mainly talked about a broken relationship of a father and a son because of gender issues. The second is the song from the cartoon movie, Hunchback of Notre Dame - "God help the outcast". It is a very powerful song that portrays power relations and struggle between socia classes. Exploitation of the "outcasts" in the society was pointed out in the song. It depicted an environment wherein people who are physically and socially unfit and ugly were exploited and treated inhumanely. It was a very touching song that conveys that we should not judge a person based on his/her social standings in life, or even the way he/she looks. We are all created by God, and we are all beautiful in His eyes. The third song, sang by Michael V. entitled, "Mas Mahal na Kita Ngayon" was about a man maltreated by his woman. This song contradicts the the feminist's notion that the women are the ones who are abused and oppressed. At the same time, this song also empowers the women as well. The song actually portrays a modern-day woman who is strong, independent, and knows how to take-charge in a situation. However, the acts mentioned in the song were actually negative with regards to the woman's attitude. 

Political songs like these will serve as an eye-opener for people in all walks of life to realize significant social issues that we are still trying to resolve. Some people may see these songs for entertainment purposes only, however, only if they will examine the contents of it, they will realize a lot of life lessons that is far more important than what they have perceived before. 

Thursday, February 23, 2012

Pantayong Pananaw


Today, we discussed the Pantayong Pananaw / bagong kasaysayan. It's basically from the field of historiography. Issues on culture and ethnicity were also tackled. Since the Tagalog language is the national language of the country, not all Filipinos are confortable using it. In the Visayas and Mindanao area, most people do not actually speak Tagalog since they have their own local dialects. Hybridity was als brought up during the discussion. Culture in different parts of the country mixed with other culture may produce a new kind or variation of a culture. The main idea behind the Pantayong Pananaw  is that we should appreciate our won, and stop patronizing other cultures. The influence of other neighboring countries must not distract the Filipinos to build a society that is united through its own rich culture. It will be very hard for Filipinos to refuse or avoid the influence of other countries, especially the western culture since we lived in a globalized environment already and for the fact that we were colonized in the past. 



Monday, February 20, 2012

Indigenous Theory


Today, we discussed about Indigenezation that focused on Sikolohiyang Pilipino and Pilipinohiya. Sikolohiyang Pilipino that it is necessary to debunk western psychology's claim to universal application. Based on its definition, it is defined as the psychology based on the experience, ideas, and cultural orientation of the Filipinos. Deconstructing the way of thinking of the Filipinos is one of its main goals. 


Sikolohiyang Pilipino basically offers us a way of thinking that we, the Filipino people must believe in our own capabilities and identities to achieve and maximize our own potentials. Based from the idea, we have unique characteristics; as well as trilogy values that include - debt of gratitude (utang na loob), pakikisama (Kumpadre/Padrino system), and hiya. These characteristics are truly embedded in our poltical system, and even sometimes in our own families.

On the other hand, we also do have core trait values that include - "kapwa", pivotal interpersonal value, and linking socio-personal values.


The other concept is from the Pilipinohiya wherein studying our own country based from our own or a Filipino's context. One can never truly conduct an in-depth study of a country he/she cannot speak the its local language. It is within the language where the rich culture of a country can be found. Understanding their language is first step in truly understanding a country's culture.


Thursday, February 16, 2012

Post Colonialism


Compared to other topics, the discussion on post colonialism was much more easier to understand. The group assigned for this particular subject was able to explain briefly the necessary details. Overall, I can say that I was able completely understand what post colonialism is all about.

Basically, post colonialism is about gaining a perspective with regards to the future without colonial influences that almost replace the original cultures of a certain place. Moreover, according to the report, it is a form of resistance to the blinding effects brought by colonialism and also seeks to analyze how the colonized society will be able to move on a more civil and equal environment. 


Post colonialism had undergone a lot of changes. Today, it now includes the relationship between different forms of resistance and dominance; the establishment of a constitution within the colonies; and the relationship interdependence of both classes and races.


One of the main highlights of the topic was the theory on racism by Frantz Fanon. According to him, racism creates a thread of mental constructs that makes a certain individual unaware of being a subject to a superior race. In result, people who are subjected to racism are socially constrained in society. Their behavior towards others also changes because they feel inferior over a particular dominating race. Back then, it was believed that the language, norms, traditions, and culture of the whites in general served as universal and superior over any other races. It was considered local and inferior if a person originates from any other races.